“Ang Lipunan”

Sa ating lipunan nariyan ang batas, pamahalaan, militar, simbahan, at mamamayan.

Masasabi nating ang mga mamamayan ang pinakamahalagang salik sa lipunan. Ngunit bakit hindi pinapakinggan?

Una nating talakayin ang pamahalaan. Ano nga bang mayroon sa pamahalaan?

Ahhh… May pinuno, batas, programa, pamamahala, pera, posisyon, komunikasyon, politika. 

Pinuno, inihahalal ng taong bayan. Tinitingala ng karamihan. Lider ng isang bayan, sangay ng mga ahensya at iba pa. Sila ang namamahala sa pera, negosyo, at kaban ng bayan. Napakagaling hindi ba? Siguradong marami silang pinag-aralan, pera at komunikasyon. Sila rin ang may kakayahang magpatupad ng batas, programa  at benipisyo para sa ikauunlad ng bayan. Ngunit napapansin niyo ba na ang ilan sa mga kanila ay hindi tinutupad ang sinumpaan? Nakakarinig tayo ng mga pagnanakaw ng pere ng mga mamamayan. Mga isyung politikal, pork barrel, paglabag ng batas at marami pang iba. Sa madaling salita, madungis ang pamamahala. Maraming mga bagay na hindi pinagtutuungan ng pansin, pinapalampas, binabalewala. Mas pinagtutungan pa ang hindi masyadong importante. Tambak tambak rin ang mga kasong hindi nareresolba. Ano pa ang silbi ng departamento ng hustisya kung hindi man lang nila kayang isara ang isang kasong walang dungis ng pera? Wala diba?

 

Pangalawa sa listahan, batas. Pinapatupad at dapat sundin. Ngunit bakit sa aking mga nakikita, kung ang isang simpleng tao ay nagkasala, prisinto ang hantungan. Bakit sa mga politiko? Bahay bakasyunan ang tinitirahan?Ilan sa mga dahilan kung bakit nagpapatupad ng batas ay maging organisado, mabawasan ang kriminalidad, corruption, at mamuhay ng payapa. Ngunit bakit mas lumalala? Hindi na ako magtataka pa, kung ang lider nga, binabalewala ang batas, ano pa kaya ang kanyang nasasakupan? Sana, i-rebisa ang batas na ipinapatupad ng pamahalaan. At magkaroon ng maayos at malinis na kalakaran.

 

Pangatlo, militar. Sandatahang lakas, binuo upang protektahan ang ating bansa laban sa masasamang elemento na nais sirain at sakupin ito. Hindi ito binuo para sa pansariling kapakanan at kasakiman. Naturingan nating humanga sa nakaunipormeng mga sundalo at pulis. Kagalang-galang ika nga, hindi dapat ito dungisan. Hindi natin maitatanggi, nagkalat ang mga balitang, utak ng mga ilegal na droga ang iilan sa kanila. Napakalupit hindi ba? Kung sino dapat ang pagkatiwalaa mo sa iyong seguridad ay siya rin pa lang sindikato ng sariling bayan.

 

 Pang-apat, simbahan. Kilala tayong mga Pilipino na mga debotante. Nakaraan lang na linggo, ginunita natin ang piyesta ng Itim na Nazareno. Milyong-milyong tao ang dumalo. Sa aking pananaw base sa aking mga nakita, hindi ba’t sobra-sobra ang kanilang ginawa? Hindi naman sa ako’y tutol sa mga debotante, nirerespeto ko na may sarili tayong paniniwala. Ngunit sana, huwag ho nating kalimutan na may mas hihigit pa sa mga santong ating pinaniniwalaan. Simbahan, maraming programang ispiritwal para sa mga tao. Napakahalagang salik sa lipunan subalit kailangan natin ng gabay sa buhay. Ngunit hindi maiaalis sa ating isipan na ang simbahan at pamahalaan ay taliwas ang paniniwala sa iba’t-ibang mga bagay lalong-lalo na kung may kinalaman sa pananampalataya.  At hindi natin maitatanggi na kahit sa simbahan ay may halong pulitikang nagaganap. At minsan, ang alam nating katotohanan ay mali pala pero binabalewala na lang natin ito para makapagpatuloy sa buhay.

 

At ang panghuli, mamamayan. Bata, matanda, binata, dalaga, nanay at tatay, iba’t -ibang tao sa ating lipunan. Mayroon ring mayaman, gitna at mahihirap. Saan ka man nabibilang diyan, lahat tayo ay may karapatan at pantay-pantay. Bilang isang tao, marami tayong napgdadaanan sa ating buhay, masaya, malungkot. Pero hindi natin alam, nagiging makasarili na tayo. Hindi ba dapat tayo ay dapat na magtulungan hindi iyong nagiinggitan? Magbigay at huwag maramot? Lumalaganap na rin ang salitang “selfie” at may kasama pang picture. Nakakapgtaka, naiisip pa ba natin ang kalagayan ng ibang tao? O sariling buhay na lang natin ang ating tinitingnan? Nakikita pa ba natin ang mga batang nagtatrabaho imbes na mag-aral? Nabibigyan ba natin ng pagkain ang mga nagugutom? Iniisip pa ba nating maraming kumakalam na sikmura sa bawat hindi pag-ubos ng pagkain sa ating mga plato? Sana, naiisip natin iyan. Huwag sanang umabot sa punto na, tao ay mamumuhay na mayroong pagsisisi. At iwasan nating gumwa ng kasalanan sa ating kalikasan dahil hindi natin alam, bata na pala ang nagbabayad ng ating mga kagagawan. Huwag nating ipagkait sa iba ang mga chansa. Huwag nating ipagkait kung anong meron tayo sa halip, dapat tayong maging mapagbigay. Dahil sa aking pagkakaalam, mas mabuting magbigay kaysa sa tumanggap lang. Iwasan rin nating maging mapangutya sa iba dahil sa kanilang trabaho, katayuan, anyo at kung anong mron sa kanila dahil parang kinutya mo na rin ang Diyos sa mga nagawa niya.

 

Ngayon, anong masasabi mo sa ating LIPUNAN? Hindi ko man nailahad ang lahat ng bagay, alam kong alam mo ang mga nangyayari sa ating kapaligiran. Hanapin mo ang katotohanan, kapatan mo iyang malaman.

 

 

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s