Sinong pipiliin Mo?

Sinong pipiliin mo?

Taong Mahal ka pero ‘Di mo Mahal? o Taong Mahal mo pero ‘Di ka Mahal?

Taong Mahal ka? Bakit? Kasi balang araw kaya mo siyang matutunang mahalin? Kasi mas gusto mong may nag-aalaga at nagmamahal sa’yo? Kasi alam mong maghihintay siya hanggang sa matutunan mo siyang mahalin? Kasi hindi ka niya iiwanan? Kasi natatakot kang masaktan? Kasi sa tingin mo mas sasaya ka sa kanya? Paano kung hindi mo siya natutunang mahalin? Paaasaahin mo na lang ba siya?

Mahal mo? Bakit? Kasi maghihintay ka na baka mahalin ka rin niya? Kasi gusto mong mapasaya siya kahit hindi ka niya napapansin? Kasi gusto mo siyang alagaan? Kasi kahit nasasaktan ka na sige ka pa rin? Kasi masaya ka dahil sa kanya? Kasi okay lang kahit hindi nya suklian ang mga binibigay mo? Kasi okay lang kung ikaw ang masaktan huwag lang siya? Kasi gagawin mo ang lahat para lamang sa kanya makita mo lang siyang ngumiti okay ka na? Kasi kahit ano pang sabihin ng iba, naniniwala ka pa ring may pag-asa pang umibig siya sa’yo? Kasi okay lang rin na hindi ka niya mahalin basta ang mahalaga mahal mo siya? Magpapakamartir ka ba? Hanggang kailan mo siya kayang pasayahin at protektahan? Tatagal ka pa kaya?

Uulitin ko ang tanong ko.

Sino ang pipiliin mo? Ang Taong Mahal ka pero hindi mo Mahal? o Ang Taong Mahal mo pero hindi ka Mahal?

Nakapili ka na ba? Comment your answer and why?

Kasi ako, alam ko kung ano ang ko isasagot sa tanong na iyan.

 

(just extras)

Advertisements

6 responses to “Sinong pipiliin Mo?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s